Mga Hukom 21

Saan pa tayo makakakita ng mapapangasawa ng mga natirang lahi ni Benjamin? Nangako kasi tayo sa Panginoon na hindi natin papayagang mapangasawa nila ang mga anak nating babae.”

Judges 21:7 (UKJV) How shall we do for wives for them that remain, seeing we have sworn by the LORD that we will not give them of our daughters to wives?

5Pagkatapos, nagtanong sila, “May lahi ba ng Israel na hindi dumalo nang nagtipon tayo sa presensya ng Panginoon sa Mizpa?” Nang panahong iyon naipangako nila sa presensya ng Panginoon, na ang sinumang hindi dadalo roon ay papatayin.

6Nalungkot ang mga Israelita sa mga kadugo nilang lahi ni Benjamin. Sinabi nila, “Nabawasan ng isang lahi ang Israel.

7Saan pa tayo makakakita ng mapapangasawa ng mga natirang lahi ni Benjamin? Nangako kasi tayo sa Panginoon na hindi natin papayagang mapangasawa nila ang mga anak nating babae.”

8Nang nagtanong sila kung may lahi ng Israel na hindi nakasama nang nagtipon sila sa presensya ng Panginoon sa Mizpa, nalaman nilang hindi dumalo ang mga taga-Jabes-gilead.

9Sapagkat nang binilang ang mga tao, wala ni isa mang mga taga-Jabes-gilead ang nandoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.