Mga Hukom 5

“Dumating ang mga haring Cananeo at nakipaglaban sa Taanac at nasa tabi ng Ilog ng Megido, ngunit kahit isang pilak ay wala silang sinamsam.

Judges 5:19 (UKJV) The kings came and fought, then fought the kings of Canaan in Taanach by the waters of Megiddo; they took no gain of money.

17Nagpaiwan din ang lahi ni Gilead sa silangan ng Jordan, at ang lahi ni Dan naman ay nagpaiwan sa trabaho nila sa mga barko. Ang lahi ni Asher naman ay nagpaiwan sa tinitirhan nila sa tabi ng dagat.

18Ngunit itinaya ng lahi nina Zebulun at Neftali ang kanilang buhay sa pakikipaglaban.

19“Dumating ang mga haring Cananeo at nakipaglaban sa Taanac at nasa tabi ng Ilog ng Megido, ngunit kahit isang pilak ay wala silang sinamsam.

20Hindi lang ang Israel ang nakipaglaban kay Sisera, kundi pati rin ang mga bituin.

21Inanod sila sa Ilog Kison, ng rumaragasang agos, ng napakatagal nang ilog. Ngunit magpapakatatag ako at magpapatuloy sa pakikipaglaban nang may lakas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.