Mga Hukom 9

Bukas, pagsikat ng araw, bigla kayong lumusob sa lungsod. Kapag nakipaglaban sila Gaal, gawin mo ang makakaya mo para talunin sila.”

Judges 9:33 (UKJV) And it shall be, that in the morning, as soon as the sun is up, you shall rise early, and set upon the city: and, behold, when he and the people that is with him come out against you, then may you do to them as you shall find occasion.

31Kaya palihim siyang nag-utos sa mga mensahero na pumunta kay Abimelec. Ito ang ipinasasabi niya, “Si Gaal at ang mga kapatid niya ay lumipat dito sa Shekem at hinihikayat nila ang mga tao na lumaban sa iyo.

32Kaya ngayong gabi, isama mo ang mga tauhan mo at magtago muna kayo sa parang, sa labas ng lungsod.

33Bukas, pagsikat ng araw, bigla kayong lumusob sa lungsod. Kapag nakipaglaban sila Gaal, gawin mo ang makakaya mo para talunin sila.”

34Kinagabihan, umalis si Abimelec at ang mga tauhan niya. Naghati sila sa apat na grupo at nagtago sa labas lang ng Shekem.

35Nang makita nilang lumabas si Gaal at tumayo sa may pintuan ng lungsod, lumabas sila sa pinagtataguan nila upang lumusob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.