Mga Hukom 9

Kinagabihan, umalis si Abimelec at ang mga tauhan niya. Naghati sila sa apat na grupo at nagtago sa labas lang ng Shekem.

Judges 9:34 (UKJV) And Abimelech rose up, and all the people that were with him, by night, and they laid wait against Shechem in four companies.

32Kaya ngayong gabi, isama mo ang mga tauhan mo at magtago muna kayo sa parang, sa labas ng lungsod.

33Bukas, pagsikat ng araw, bigla kayong lumusob sa lungsod. Kapag nakipaglaban sila Gaal, gawin mo ang makakaya mo para talunin sila.”

34Kinagabihan, umalis si Abimelec at ang mga tauhan niya. Naghati sila sa apat na grupo at nagtago sa labas lang ng Shekem.

35Nang makita nilang lumabas si Gaal at tumayo sa may pintuan ng lungsod, lumabas sila sa pinagtataguan nila upang lumusob.

36Nang makita sila ni Gaal, sinabi niya kay Zebul, “Tingnan mo! May mga taong paparating mula sa tuktok ng bundok.” Sumagot si Zebul, “Mga anino lang iyan sa bundok. Akala mo lang ay tao.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.