1Napakalungkot na sa Jerusalem na dati ay puno ng mga tao. Ang kilalang-kilala noon sa buong mundo, ngayoʼy naging tulad ng isang biyuda. Kung dati ay reyna siya ng lahat ng lungsod, ngayoʼy isang alipin ang kanyang katulad.
2Buong pait siyang umiiyak sa magdamag. Ang mga luha niyaʼy dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Walang dumamay sa kanya kahit isa man sa kanyang mga minamahal. Siyaʼy pinagtaksilan ng lahat ng kanyang kaibigan, na ngayoʼy kanyang naging mga kaaway.
3Lubhang pinahirapan ang Juda at ang mga mamamayan niyaʼy binihag. Doon na sila nakatira sa ibang bansa kung saan silaʼy inalipin. Tinugis sila ng kanilang mga kaaway hanggang hindi na sila makatakas.
4Ang mga daan patungo sa Zion ay puno na ng kalungkutan, dahil wala nang dumadalo sa mga itinakdang pista. Sa mga pintuang-bayan ay wala na ring mga tao. Ang mga pari ay dumadaing, at ang mga dalaga ay nagdadalamhati. Napakapait ng sinapit ng Jerusalem.