Mga Panaghoy 1

Ang mga daan patungo sa Zion ay puno na ng kalungkutan, dahil wala nang dumadalo sa mga itinakdang pista. Sa mga pintuang-bayan ay wala na ring mga tao. Ang mga pari ay dumadaing, at ang mga dalaga ay nagdadalamhati. Napakapait ng sinapit ng Jerusalem.

Lamentations 1:4 (UKJV) The ways of Zion do mourn, because none come to the solemn feasts: all her gates are desolate: her priests sigh, her virgins are afflicted, and she is in bitterness.

2Buong pait siyang umiiyak sa magdamag. Ang mga luha niyaʼy dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Walang dumamay sa kanya kahit isa man sa kanyang mga minamahal. Siyaʼy pinagtaksilan ng lahat ng kanyang kaibigan, na ngayoʼy kanyang naging mga kaaway.

3Lubhang pinahirapan ang Juda at ang mga mamamayan niyaʼy binihag. Doon na sila nakatira sa ibang bansa kung saan silaʼy inalipin. Tinugis sila ng kanilang mga kaaway hanggang hindi na sila makatakas.

4Ang mga daan patungo sa Zion ay puno na ng kalungkutan, dahil wala nang dumadalo sa mga itinakdang pista. Sa mga pintuang-bayan ay wala na ring mga tao. Ang mga pari ay dumadaing, at ang mga dalaga ay nagdadalamhati. Napakapait ng sinapit ng Jerusalem.

5Pinamunuan sila ng kanilang mga kaaway, at yumaman ang mga ito. Sapagkat pinahirapan ng Panginoon ang Jerusalem dahil napakarami nitong kasalanan. Ang kanyang mga mamamayan ay binihag ng mga kaaway.

6Ang kagandahan ng Zion ay naglaho na. Ang kanyang mga pinuno ay parang mga gutom na usa na naghahanap ng pastulan. Silaʼy nanghihina na habang tumatakas sa mga tumutugis sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.