Mga Panaghoy 2

Winasak ng Panginoon ang Israel na parang isang kaaway. Sinira niya ang lahat ng mga pader sa bayan at mga palasyo. Dinagdagan ang pagdadalamhati at pag-iyak ni Juda.

Lamentations 2:5 (UKJV) The LORD was as an enemy: he has swallowed up Israel, he has swallowed up all her palaces: he has destroyed his strong holds, and has increased in the daughter of Judah mourning and lamentation.

3Sa tindi ng kanyang poot, inalis niya ang lahat ng kapangyarihan ng Israel. Hindi niya ito tinulungan nang salakayin ng mga kaaway. Para siyang apoy na tumutupok sa mga lahi ng Israel at sa lahat ng bagay sa paligid nito.

4Iniumang niya ang kanyang pana sa kanyang mga mamamayan na naging parang mga kaaway niya. Pinatay ang lahat ng ipinagmamalaki nitong mga mamamayan. Ibinuhos niya ang kanyang matinding galit na parang apoy sa mga mamamayan ng Jerusalem.

5Winasak ng Panginoon ang Israel na parang isang kaaway. Sinira niya ang lahat ng mga pader sa bayan at mga palasyo. Dinagdagan ang pagdadalamhati at pag-iyak ni Juda.

6Winasak niya ang templo na parang isang halamanan lang. Binura ng Panginoon sa alaala ng mga taga-Zion ang itinakdang mga pista at ang Araw ng Pamamahinga. Sa kanyang matinding galit, itinakwil niya ang hari at mga pari.

7Itinakwil din ng Panginoon ang kanyang altar at Templo. Ipinagiba sa kamay ng mga kaaway ang mga pader nito at nagsigawan ang mga ito sa Templo ng Panginoon na parang nagdaraos ng pista.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.