24Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.”
25Mabuti ang Panginoon sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya.
26Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon.
27Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang makipamatok at sumunod.
28Kapag tinuturuan tayo ng Panginoon, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti.