1Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng kumupas na ginto o ng mamahaling bato na nagkalat sa lansangan.
2Kung katulad ng tunay na ginto ang mga anak ng Zion noon, ngayon namaʼy itinuturing na parang mga palayok na gawa sa putik.
3Kahit na ang mga asong-gubat ay nagpapasuso ang kanilang mga tuta, ngunit ang aking mga mamamayan ay kagaya ng malalaking ibon na malulupit sa kanilang mga inakay.
4Dumidikit na sa ngala-ngala ng mga sanggol ang mga dila nila dahil sa uhaw. Humihingi ng pagkain ang mga bata pero walang nagbibigay sa kanila.