Mga Panaghoy 4

Kahit na ang mga asong-gubat ay nagpapasuso ang kanilang mga tuta, ngunit ang aking mga mamamayan ay kagaya ng malalaking ibon na malulupit sa kanilang mga inakay.

Lamentations 4:3 (UKJV) Even the sea monsters draw out the breast, they give suck to their young ones: the daughter of my people is become cruel, like the ostriches in the wilderness.

1Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng kumupas na ginto o ng mamahaling bato na nagkalat sa lansangan.

2Kung katulad ng tunay na ginto ang mga anak ng Zion noon, ngayon namaʼy itinuturing na parang mga palayok na gawa sa putik.

3Kahit na ang mga asong-gubat ay nagpapasuso ang kanilang mga tuta, ngunit ang aking mga mamamayan ay kagaya ng malalaking ibon na malulupit sa kanilang mga inakay.

4Dumidikit na sa ngala-ngala ng mga sanggol ang mga dila nila dahil sa uhaw. Humihingi ng pagkain ang mga bata pero walang nagbibigay sa kanila.

5Ang mga taong dati ay kumakain ng masasarap, ngayoʼy namamatay na sa gutom sa mga lansangan. Ang mga dating lumaking mayaman, ngayoʼy naghahalungkat ng makakain sa mga basurahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.