Mga Panaghoy 5

Naulila kami sa ama, kaya nabiyuda ang aming mga ina.

Lamentations 5:3 (UKJV) We are orphans and fatherless, our mothers are as widows.

1Panginoon, alalahanin po ninyo ang nangyari sa amin. Masdan nʼyo ang aming dinanas na kahihiyan.

2Kinuha ng mga dayuhan ang aming mga lupaʼt bahay.

3Naulila kami sa ama, kaya nabiyuda ang aming mga ina.

4Kinakailangang bayaran namin ng pilak ang tubig na aming iniinom at ang kahoy na aming panggatong.

5Pinagtatrabaho kaming parang mga hayop at hindi man lang pinagpapahinga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.