15“Papatayin din niya ang kambing bilang handog para sa kasalanan para sa mga tao. Dadalhin din niya ang dugo nito sa Pinakabanal na Lugar at iwiwisik sa takip ng Kahon ng Kasunduan katulad ng kanyang ginawa sa dugo ng batang toro.
16Ganito ang paraan na gagawin ni Aaron para maituring na malinis ang Pinakabanal na Lugar dahil sa karumihan ng mga Israelita at sa kanilang mga kasalanan at pagsuway. Itoʼy gagawin din ni Aaron sa lahat ng bahagi ng Tolda na nasa gitna ng maruming mga Israelita.
17Kailangang walang ibang tao sa loob ng Tolda sa oras na pumasok si Aaron sa loob ng Pinakabanal na Lugar upang gawin ang seremonya para matubos siya, ang sambahayan niya at ang lahat ng Israelita, hanggang sa siyaʼy lumabas.
18“Pagkatapos ay lalabas siya mula sa Pinakabanal na Lugar at pupunta siya sa altar na sunugan ng handog para sa Panginoon upang linisin ito. Kukuha siya ng dugo ng baka at ng kambing na inihandog at ipapahid sa parang sungay sa mga sulok ng altar para iyon ay linisin.
19Sa pamamagitan ng kanyang mga daliri, iwiwisik niya ng pitong beses ang natirang dugo sa altar para itoʼy ihandog sa Panginoon at upang itoʼy linisin sa karumihan dahil sa kasalanan ng mga Israelita.