Leviticus 2

“ ‘Kung ang iaalay ninyo ay handog na pagkaing butil na niluto sa hurno, kailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at hindi nilagyan ng pampaalsa. Maaaring mag-alay ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo o ng manipis na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo.

Leviticus 2:4 (UKJV) And if you bring an oblation of a food offering baked in the oven, it shall be unleavened cakes of fine flour mingled with oil, or unleavened wafers anointed with oil.

2Pagkatapos ay dadalhin niya ito sa mga anak ni Aaron na mga pari. Kukuha ang pari ng isang dakot ng harinang hinaluan ng langis ng olibo at nilagyan ng insenso, at susunugin niya sa altar, bilang tanda na ang handog ay para sa Diyos. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

3Ang matitira sa handog na pagkaing butil ay para kay Aaron at sa kanyang mga anak, at ito ay napakabanal na bahagi mula sa handog na pagkaing butil na inialay sa Panginoon.

4“ ‘Kung ang iaalay ninyo ay handog na pagkaing butil na niluto sa hurno, kailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at hindi nilagyan ng pampaalsa. Maaaring mag-alay ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo o ng manipis na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo.

5Kung ang handog na pagkaing butil na iaalay ay niluto sa malapad na kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at may halong langis ng olibo, ngunit walang pampaalsa.

6Pagpipira-pirasuhin ito at lalagyan ng langis ng olibo. Itoʼy handog na pagkaing butil.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.