Leviticus 2

Pagpipira-pirasuhin ito at lalagyan ng langis ng olibo. Itoʼy handog na pagkaing butil.

Leviticus 2:6 (UKJV) You shall part it in pieces, and pour oil thereon: it is a food offering.

4“ ‘Kung ang iaalay ninyo ay handog na pagkaing butil na niluto sa hurno, kailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at hindi nilagyan ng pampaalsa. Maaaring mag-alay ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo o ng manipis na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo.

5Kung ang handog na pagkaing butil na iaalay ay niluto sa malapad na kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at may halong langis ng olibo, ngunit walang pampaalsa.

6Pagpipira-pirasuhin ito at lalagyan ng langis ng olibo. Itoʼy handog na pagkaing butil.

7Kung ang handog na pagkaing butil ay niluto sa kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klase ng harina at nilagyan ng langis ng olibo.

8Ang ganitong uri ng mga handog ay dadalhin sa pari na siyang maghahandog nito sa Panginoon doon sa altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.