5Kung ang handog na pagkaing butil na iaalay ay niluto sa malapad na kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at may halong langis ng olibo, ngunit walang pampaalsa.
6Pagpipira-pirasuhin ito at lalagyan ng langis ng olibo. Itoʼy handog na pagkaing butil.
7Kung ang handog na pagkaing butil ay niluto sa kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klase ng harina at nilagyan ng langis ng olibo.
8Ang ganitong uri ng mga handog ay dadalhin sa pari na siyang maghahandog nito sa Panginoon doon sa altar.
9Babawasan ito ng pari at ang ibinawas na iyon ay susunugin niya sa altar bilang palatandaan na ito ay handog sa Panginoon. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.