Leviticus 2

Kung ang handog na pagkaing butil na iaalay ay niluto sa malapad na kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at may halong langis ng olibo, ngunit walang pampaalsa.

Leviticus 2:5 (UKJV) And if your oblation be a food offering baked in a pan, it shall be of fine flour unleavened, mingled with oil.

3Ang matitira sa handog na pagkaing butil ay para kay Aaron at sa kanyang mga anak, at ito ay napakabanal na bahagi mula sa handog na pagkaing butil na inialay sa Panginoon.

4“ ‘Kung ang iaalay ninyo ay handog na pagkaing butil na niluto sa hurno, kailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at hindi nilagyan ng pampaalsa. Maaaring mag-alay ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo o ng manipis na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo.

5Kung ang handog na pagkaing butil na iaalay ay niluto sa malapad na kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at may halong langis ng olibo, ngunit walang pampaalsa.

6Pagpipira-pirasuhin ito at lalagyan ng langis ng olibo. Itoʼy handog na pagkaing butil.

7Kung ang handog na pagkaing butil ay niluto sa kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klase ng harina at nilagyan ng langis ng olibo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.