Leviticus 2

Ang matitira sa handog na pagkaing butil ay para kay Aaron at sa kanyang mga anak, at ito ay napakabanal na bahagi mula sa handog na pagkaing butil na inialay sa Panginoon.

Leviticus 2:3 (UKJV) And the remnant of the food offering shall be Aaron's and his sons': it is a thing most holy of the offerings of the LORD made by fire.

1“ ‘Kung may mag-aalay ng handog na pagkaing butil sa Panginoon, kailangang magandang klase ng harina ang gagamitin niya. Hahaluan niya ito ng langis ng olibo at saka lalagyan ng insenso.

2Pagkatapos ay dadalhin niya ito sa mga anak ni Aaron na mga pari. Kukuha ang pari ng isang dakot ng harinang hinaluan ng langis ng olibo at nilagyan ng insenso, at susunugin niya sa altar, bilang tanda na ang handog ay para sa Diyos. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

3Ang matitira sa handog na pagkaing butil ay para kay Aaron at sa kanyang mga anak, at ito ay napakabanal na bahagi mula sa handog na pagkaing butil na inialay sa Panginoon.

4“ ‘Kung ang iaalay ninyo ay handog na pagkaing butil na niluto sa hurno, kailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at hindi nilagyan ng pampaalsa. Maaaring mag-alay ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo o ng manipis na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo.

5Kung ang handog na pagkaing butil na iaalay ay niluto sa malapad na kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at may halong langis ng olibo, ngunit walang pampaalsa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.