Leviticus 25

Sa loob ng anim na taon ay makakapagtanim kayo at makakapag-ani,

Leviticus 25:3 (UKJV) Six years you shall sow your field, and six years you shall prune your vineyard, and gather in the fruit thereof;

1Noong si Moises ay nasa bundok ng Sinai, sinabi sa kanya ng Panginoon,

2“Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Kapag naroon na kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, pagpapahingahin ninyo ang mga bukirin tuwing ikapitong taon para akong inyong Panginoon ay maparangalan ninyo.

3Sa loob ng anim na taon ay makakapagtanim kayo at makakapag-ani,

4pero sa ikapitong taon ay dapat ninyong pagpahingahin ang lupa. Ito ay pagpapahinga para sa Panginoon. Huwag ninyong tataniman ang inyong mga bukid at puputulan ng mga sanga ang inyong mga ubas.

5At huwag din ninyong aanihin ang mga butil o pipitasin ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumubo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.