3Sa loob ng anim na taon ay makakapagtanim kayo at makakapag-ani,
4pero sa ikapitong taon ay dapat ninyong pagpahingahin ang lupa. Ito ay pagpapahinga para sa Panginoon. Huwag ninyong tataniman ang inyong mga bukid at puputulan ng mga sanga ang inyong mga ubas.
5At huwag din ninyong aanihin ang mga butil o pipitasin ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumubo.
6Ngunit maaari kayong kumuha nito para may makain kayo, ang inyong mga alipin, mga manggagawa, mga dayuhang naninirahang kasama ninyo,
7mga alaga nʼyong hayop, at mga hayop sa gubat na nasa inyong lupain.