8Ang balat naman ng hayop na inialay bilang handog na sinusunog ay para rin sa paring nag-alay nito.
9Ganoon din sa lahat ng handog na butil na inialay bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon, na niluto sa hurno o sa kawali.
10At ang lahat ng handog na pagkaing butil, may halo man itong langis ng olibo o wala ay para na sa mga paring mula sa angkan ni Aaron at paghahati-hatian nila ito ng pantay-pantay.
11“ ‘Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog pangkapayapaan na iniaalay sa Panginoon:
12“ ‘Kung ang hayop na handog ay inialay bilang handog pasasalamat, sasamahan ito ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo ngunit walang halong pampaalsa, manipis na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo, at tinapay na mula sa magandang klase ng harina na hinaluan ng langis ng olibo.