Leviticus 7

Ganoon din sa lahat ng handog na butil na inialay bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon, na niluto sa hurno o sa kawali.

Leviticus 7:9 (UKJV) And all the food offering that is baked in the oven, and all that is dressed in the frying pan, and in the pan, shall be the priest's that offers it.

7“ ‘Iisa ang tuntunin sa handog para sa kasalanan at sa handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Ang karne sa mga handog na ito ay para sa paring naghandog nito.

8Ang balat naman ng hayop na inialay bilang handog na sinusunog ay para rin sa paring nag-alay nito.

9Ganoon din sa lahat ng handog na butil na inialay bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon, na niluto sa hurno o sa kawali.

10At ang lahat ng handog na pagkaing butil, may halo man itong langis ng olibo o wala ay para na sa mga paring mula sa angkan ni Aaron at paghahati-hatian nila ito ng pantay-pantay.

11“ ‘Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog pangkapayapaan na iniaalay sa Panginoon:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.