6Ang matitira ay maaaring kainin ng mga lalaking anak ng mga pari, pero dapat nila itong kainin sa isang banal na lugar dahil napakabanal nito.
7“ ‘Iisa ang tuntunin sa handog para sa kasalanan at sa handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Ang karne sa mga handog na ito ay para sa paring naghandog nito.
8Ang balat naman ng hayop na inialay bilang handog na sinusunog ay para rin sa paring nag-alay nito.
9Ganoon din sa lahat ng handog na butil na inialay bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon, na niluto sa hurno o sa kawali.
10At ang lahat ng handog na pagkaing butil, may halo man itong langis ng olibo o wala ay para na sa mga paring mula sa angkan ni Aaron at paghahati-hatian nila ito ng pantay-pantay.