4Sinunod ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon, at nagtipon ang mga Israelita sa may pintuan ng Toldang Tipanan.
5Sinabi ni Moises sa kanila, “Ito ang iniutos ng Panginoon na dapat nating gawin!”
6Dinala niya sa gitna si Aaron at ang mga anak nitong lalaki at silaʼy pinaliguan.
7Ipinasuot niya kay Aaron ang damit bilang punong pari: ang damit-panloob, ang sinturon, ang damit-panlabas, at ang espesyal na damit at binigkisang mabuti ng hinabing sinturon na maganda ang pagkakagawa.
8Ipinasuot din ni Moises sa kanya ang pektoral at doon inilagay ang Urim at Tumim.