12Nang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may malubhang sakit sa balat. Tumayo lang sila sa malayo
13at sumigaw kay Hesus, “Panginoong Hesus, maawa po kayo sa amin!”
14Nang makita sila ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga pari at magpatingin sa kanila.” At habang naglalakad pa lang sila, luminis na ang kanilang balat.
15Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Hesus at nagsisigaw ng papuri sa Diyos.
16Lumuhod siya sa harap ni Hesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano.