14Nang makita sila ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga pari at magpatingin sa kanila.” At habang naglalakad pa lang sila, luminis na ang kanilang balat.
15Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Hesus at nagsisigaw ng papuri sa Diyos.
16Lumuhod siya sa harap ni Hesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano.
17Sinabi ni Hesus, “Hindi baʼt sampu ang pinagaling ko? Nasaan na ang siyam?
18Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Diyos maliban sa dayuhang ito?”