Malakias 1

ngunit si Esau ay kinapootan ko. Iniwan kong nakatiwangwang ang kanyang kabundukan, kaya naging ilang na tirahan ng mga maiilap na hayop.”

Malachi 1:3 (UKJV) And I hated Esau, and laid his mountains and his heritage waste for the dragons of the wilderness.

1Ito ang mensahe ng Panginoon para sa bansang Israel sa pamamagitan ni Malakias.

2“Minahal ko kayo,” sabi ng Panginoon. “Ngunit nagtatanong pa kayo, ‘Paano mo kami minahal?’ “Alalahanin ninyong kahit magkapatid sina Esau at Jacob, minahal ko si Jacob

3ngunit si Esau ay kinapootan ko. Iniwan kong nakatiwangwang ang kanyang kabundukan, kaya naging ilang na tirahan ng mga maiilap na hayop.”

4Maaaring sabihin ng mga Edomitang lahi ni Esau, “Kahit na winasak ang aming bayan, itoʼy muli naming itatayo.” Subalit, ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Kahit na itayo nilang muli ang kanilang bayan, gigibain ko pa rin ito. Tatawagin silang ‘masamang bansa’ at ‘mga mamamayang laging kinapopootan ng Panginoon.’

5Makikita ninyo ang kanilang pagkawasak at sasabihin ninyo, ‘Makapangyarihan ang Panginoon kahit sa labas ng Israel.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.