Malakias 3

Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga Israelita, “Darating ako upang hatulan kayo. Sasaksi agad ako laban sa mga mangkukulam, sa mga nangangalunya, sa mga sinungaling na saksi, sa mga nandaraya sa sahod ng kanilang mga manggagawa, sa mga nanggigipit sa mga biyuda at mga ulila, at sa mga hindi makatarungan sa mga dayuhan. Gagawin ko ito sa inyo na mga walang takot sa akin.”

Malachi 3:5 (UKJV) And I will come near to you to judgment; and I will be a swift witness against the sorcerers, and against the adulterers, and against false swearers, and against those that oppress the worker in his wages, the widow, and the fatherless, and that turn aside the stranger from his right, and fear not me, says the LORD of hosts.

3Kikilos siyang tulad ng tagapagdalisay ng pilak at susunugin niya ang dumi nito. Lilinisin niya ang mga paring Levita at dadalisayin niya sila tulad ng pagdalisay ng pilak at ginto, upang silaʼy maging mga taong nagdadala ng mga karapat-dapat na handog sa Panginoon.

4Sa ganoon, muling malulugod ang Panginoon sa mga handog ng mga taga-Juda at taga-Jerusalem, gaya ng dati.

5Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga Israelita, “Darating ako upang hatulan kayo. Sasaksi agad ako laban sa mga mangkukulam, sa mga nangangalunya, sa mga sinungaling na saksi, sa mga nandaraya sa sahod ng kanilang mga manggagawa, sa mga nanggigipit sa mga biyuda at mga ulila, at sa mga hindi makatarungan sa mga dayuhan. Gagawin ko ito sa inyo na mga walang takot sa akin.”

6Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Ako, ang Panginoon, ay hindi nagbabago. Kaya nga kayong mga lahi ni Jacob ay hindi lubusang nalipol.

7Tulad ng inyong mga ninuno, hindi kayo sumunod sa aking mga tuntunin. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.