Malakias 3

Tulad ng inyong mga ninuno, hindi kayo sumunod sa aking mga tuntunin. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’

Malachi 3:7 (UKJV) Even from the days of your fathers all of you are gone away from mine ordinances, and have not kept them. Return unto me, and I will return unto you, says the LORD of hosts. But all of you said, Wherein shall we return?

5Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga Israelita, “Darating ako upang hatulan kayo. Sasaksi agad ako laban sa mga mangkukulam, sa mga nangangalunya, sa mga sinungaling na saksi, sa mga nandaraya sa sahod ng kanilang mga manggagawa, sa mga nanggigipit sa mga biyuda at mga ulila, at sa mga hindi makatarungan sa mga dayuhan. Gagawin ko ito sa inyo na mga walang takot sa akin.”

6Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Ako, ang Panginoon, ay hindi nagbabago. Kaya nga kayong mga lahi ni Jacob ay hindi lubusang nalipol.

7Tulad ng inyong mga ninuno, hindi kayo sumunod sa aking mga tuntunin. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’

8“Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Parang imposible. Subalit ninanakawan ninyo ako. “At itinatanong ninyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’ “Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu at mga handog.

9Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.