Malakias 3

“Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Parang imposible. Subalit ninanakawan ninyo ako. “At itinatanong ninyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’ “Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu at mga handog.

Malachi 3:8 (UKJV) Will a man rob God? Yet all of you have robbed me. But all of you say, Wherein have we robbed you? In tithes and offerings.

6Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Ako, ang Panginoon, ay hindi nagbabago. Kaya nga kayong mga lahi ni Jacob ay hindi lubusang nalipol.

7Tulad ng inyong mga ninuno, hindi kayo sumunod sa aking mga tuntunin. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’

8“Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Parang imposible. Subalit ninanakawan ninyo ako. “At itinatanong ninyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’ “Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu at mga handog.

9Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa.

10Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.