Mateo 12

At ang kanyang pangalan ang magiging pag-asa ng lahat ng mga bansa.”

Matthew 12:21 (UKJV) And in his name shall the Gentiles trust.

19Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw, at hindi siya magtataas ng boses sa mga lansangan.

20Hindi niya ipapahamak ang mahina ang pananampalataya o pababayaan ang nawawalan ng pag-asa. Hindi siya titigil hanggaʼt hindi ganap na napapairal ang katarungan.

21At ang kanyang pangalan ang magiging pag-asa ng lahat ng mga bansa.”

22May dinala ang mga tao kay Hesus na isang lalaking bulag at pipi na sinasapian ng demonyo. Pinagaling siya ni Hesus kaya siyaʼy nakakakita at nakapagsasalita na.

23Namangha ang lahat at sinabi, “Ito na nga kaya ang Anak ni David?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.