Micas 2

Nakakaawa kayong mga nagpupuyat sa pagpaplano ng masama; palaging nag-iisip nang hindi mabuti kahit na kayoʼy nakahiga. Kinaumagahan ay isinasagawa ninyo ang inyong masamang plano dahil may kakayahan kayong gawin iyon.

Micah 2:1 (UKJV) Woe to them that devise iniquity, and work evil upon their beds! when the morning is light, they practice it, because it is in the power of their hand.

1Nakakaawa kayong mga nagpupuyat sa pagpaplano ng masama; palaging nag-iisip nang hindi mabuti kahit na kayoʼy nakahiga. Kinaumagahan ay isinasagawa ninyo ang inyong masamang plano dahil may kakayahan kayong gawin iyon.

2Inaagaw ninyo ang mga bukid at mga bahay na inyong nagugustuhan. Dinadaya ninyo ang mga tao upang makuha ang kanilang bahay o lupaing minana.

3Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon, “Makinig kayo! Pinaplano kong parusahan kayo at hindi kayo makakaligtas. Hindi na kayo makapagmamalaki dahil sa panahong iyon ay lilipulin kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.