Micas 2

Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon, “Makinig kayo! Pinaplano kong parusahan kayo at hindi kayo makakaligtas. Hindi na kayo makapagmamalaki dahil sa panahong iyon ay lilipulin kayo.

Micah 2:3 (UKJV) Therefore thus says the LORD; Behold, against this family do I devise an evil, from which all of you shall not remove your necks; neither shall all of you go haughtily: for this time is evil.

1Nakakaawa kayong mga nagpupuyat sa pagpaplano ng masama; palaging nag-iisip nang hindi mabuti kahit na kayoʼy nakahiga. Kinaumagahan ay isinasagawa ninyo ang inyong masamang plano dahil may kakayahan kayong gawin iyon.

2Inaagaw ninyo ang mga bukid at mga bahay na inyong nagugustuhan. Dinadaya ninyo ang mga tao upang makuha ang kanilang bahay o lupaing minana.

3Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon, “Makinig kayo! Pinaplano kong parusahan kayo at hindi kayo makakaligtas. Hindi na kayo makapagmamalaki dahil sa panahong iyon ay lilipulin kayo.

4Sa araw na iyon, kukutyain kayo ng mga tao sa pamamagitan ng malungkot na awitin: ‘Lubusan na kaming nalipol! Kinuha ng Panginoon ang aming mga lupain at ibinigay sa mga traydor.’ ”

5Kaya wala na kayong bahagi sa lupain kapag hahatiin ito sa palabunutang mangyayari sa pagpupulong ng bayan ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.