Micas 2

Sa araw na iyon, kukutyain kayo ng mga tao sa pamamagitan ng malungkot na awitin: ‘Lubusan na kaming nalipol! Kinuha ng Panginoon ang aming mga lupain at ibinigay sa mga traydor.’ ”

Micah 2:4 (UKJV) In that day shall one take up a parable against you, and lament with a doleful lamentation, and say, We be utterly spoiled: he has changed the portion of my people: how has he removed it from me! turning away he has divided our fields.

2Inaagaw ninyo ang mga bukid at mga bahay na inyong nagugustuhan. Dinadaya ninyo ang mga tao upang makuha ang kanilang bahay o lupaing minana.

3Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon, “Makinig kayo! Pinaplano kong parusahan kayo at hindi kayo makakaligtas. Hindi na kayo makapagmamalaki dahil sa panahong iyon ay lilipulin kayo.

4Sa araw na iyon, kukutyain kayo ng mga tao sa pamamagitan ng malungkot na awitin: ‘Lubusan na kaming nalipol! Kinuha ng Panginoon ang aming mga lupain at ibinigay sa mga traydor.’ ”

5Kaya wala na kayong bahagi sa lupain kapag hahatiin ito sa palabunutang mangyayari sa pagpupulong ng bayan ng Panginoon.

6“Huwag na kayong magpropesiya,” sabi ng mga tao. “Ang mga propeta ay hindi dapat magpropesiya tungkol sa mga bagay na ito; hindi kami gagawing kahihiyan ng Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.