Micas 2

Ngunit nilulusob ninyo ang aking mamamayan na para bang mga kaaway. Akala nila, pag-uwi nila sa kanilang bayan mula sa digmaan ay ligtas na sila, ngunit iyon palaʼy aagawan ninyo sila ng kanilang balabal.

Micah 2:8 (UKJV) Even of late my people has risen up as an enemy: all of you pull off the robe with the garment from them that pass by securely as men averse from war.

6“Huwag na kayong magpropesiya,” sabi ng mga tao. “Ang mga propeta ay hindi dapat magpropesiya tungkol sa mga bagay na ito; hindi kami gagawing kahihiyan ng Diyos.”

7Ito ba dapat ang sinasabi ninyo, kayong lahi ni Jacob? “Hindi mauubos ang pasensya ng Panginoon kaya hindi niya gagawin ang mga iyon?” Ito ang sagot ng Panginoon, “Kung sinusundan lang sana ninyo ang mga utos ko, matatanggap ninyo ang aking mga biyaya.

8Ngunit nilulusob ninyo ang aking mamamayan na para bang mga kaaway. Akala nila, pag-uwi nila sa kanilang bayan mula sa digmaan ay ligtas na sila, ngunit iyon palaʼy aagawan ninyo sila ng kanilang balabal.

9Pinapalayas ninyo ang kanilang mga kababaihan sa mga tahanang minamahal nila. At inaagaw ninyo ang mga pagpapalang ibinigay ko sa kanilang mga anak, kaya mawawala na ito sa kanila magpakailanman.

10Kaya ngayon, umalis na kayo rito! Sapagkat hindi na kayo makakapagpahinga dito dahil itoʼy nadungisan na ng inyong mga kasalanan; nasira na ito at wala nang lunas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.