7Ito ba dapat ang sinasabi ninyo, kayong lahi ni Jacob? “Hindi mauubos ang pasensya ng Panginoon kaya hindi niya gagawin ang mga iyon?” Ito ang sagot ng Panginoon, “Kung sinusundan lang sana ninyo ang mga utos ko, matatanggap ninyo ang aking mga biyaya.
8Ngunit nilulusob ninyo ang aking mamamayan na para bang mga kaaway. Akala nila, pag-uwi nila sa kanilang bayan mula sa digmaan ay ligtas na sila, ngunit iyon palaʼy aagawan ninyo sila ng kanilang balabal.
9Pinapalayas ninyo ang kanilang mga kababaihan sa mga tahanang minamahal nila. At inaagaw ninyo ang mga pagpapalang ibinigay ko sa kanilang mga anak, kaya mawawala na ito sa kanila magpakailanman.
10Kaya ngayon, umalis na kayo rito! Sapagkat hindi na kayo makakapagpahinga dito dahil itoʼy nadungisan na ng inyong mga kasalanan; nasira na ito at wala nang lunas.
11Ang gusto ninyong mangangaral ay iyong nangangaral nang walang kabuluhan, manlilinlang at sinungaling, at ganito ang sinasabi: ‘Sasagana kayo sa alak at iba pang mga inumin.’ ”