5Kaya wala na kayong bahagi sa lupain kapag hahatiin ito sa palabunutang mangyayari sa pagpupulong ng bayan ng Panginoon.
6“Huwag na kayong magpropesiya,” sabi ng mga tao. “Ang mga propeta ay hindi dapat magpropesiya tungkol sa mga bagay na ito; hindi kami gagawing kahihiyan ng Diyos.”
7Ito ba dapat ang sinasabi ninyo, kayong lahi ni Jacob? “Hindi mauubos ang pasensya ng Panginoon kaya hindi niya gagawin ang mga iyon?” Ito ang sagot ng Panginoon, “Kung sinusundan lang sana ninyo ang mga utos ko, matatanggap ninyo ang aking mga biyaya.
8Ngunit nilulusob ninyo ang aking mamamayan na para bang mga kaaway. Akala nila, pag-uwi nila sa kanilang bayan mula sa digmaan ay ligtas na sila, ngunit iyon palaʼy aagawan ninyo sila ng kanilang balabal.
9Pinapalayas ninyo ang kanilang mga kababaihan sa mga tahanang minamahal nila. At inaagaw ninyo ang mga pagpapalang ibinigay ko sa kanilang mga anak, kaya mawawala na ito sa kanila magpakailanman.