Micas 3

“Itinatayo ninyo ang Zion sa masamang paraan. Handa kayong pumatay maitayo lamang ito.

Micah 3:10 (UKJV) They build up Zion with blood, and Jerusalem with iniquity.

8Ngunit ako ay puspos ng Espiritu ng Panginoon na siyang nagbibigay sa akin ng kapangyarihan upang maipatupad ko ang katarungan, at nagpapalakas ng loob ko para masabi sa mga mamamayan ng Israel at Juda na nagkasala sila.

9Makinig kayo, mga pinuno ng Israel at Juda! Ayaw ninyong pairalin ang katarungan at binabaluktot ninyo ang katuwiran.

10“Itinatayo ninyo ang Zion sa masamang paraan. Handa kayong pumatay maitayo lamang ito.

11Humahatol kayong panig sa mga nagbibigay ng suhol sa inyo. At kayong mga pari ay nagpapabayad sa pagtuturo. Ganoon din kayong mga propeta, nanghuhula kayo dahil sa pera. Umaasa rin kayong tutulungan kayo ng Panginoon, dahil ayon sa inyo, ‘Kasama namin ang Panginoon. Kaya walang anumang masamang mangyayari sa amin.’

12Kaya dahil sa inyo, wawasakin ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Magiging katulad ito ng inararong bukid, at magiging bunton ng mga gumuhong gusali. At magiging gubat ang bundok na kinatatayuan ng templo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.