9Makinig kayo, mga pinuno ng Israel at Juda! Ayaw ninyong pairalin ang katarungan at binabaluktot ninyo ang katuwiran.
10“Itinatayo ninyo ang Zion sa masamang paraan. Handa kayong pumatay maitayo lamang ito.
11Humahatol kayong panig sa mga nagbibigay ng suhol sa inyo. At kayong mga pari ay nagpapabayad sa pagtuturo. Ganoon din kayong mga propeta, nanghuhula kayo dahil sa pera. Umaasa rin kayong tutulungan kayo ng Panginoon, dahil ayon sa inyo, ‘Kasama namin ang Panginoon. Kaya walang anumang masamang mangyayari sa amin.’
12Kaya dahil sa inyo, wawasakin ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Magiging katulad ito ng inararong bukid, at magiging bunton ng mga gumuhong gusali. At magiging gubat ang bundok na kinatatayuan ng templo.”