Micas 3

Makinig kayo, mga pinuno ng Israel at Juda! Ayaw ninyong pairalin ang katarungan at binabaluktot ninyo ang katuwiran.

Micah 3:9 (UKJV) Hear this, I pray you, all of you heads of the house of Jacob, and princes of the house of Israel, that detest judgment, and pervert all equity.

7Mapapahiya kayong mga propeta at manghuhula. Magtatakip kayo ng mukha sa sobrang hiya, dahil wala na kayong natatanggap na mensahe mula sa Diyos.’

8Ngunit ako ay puspos ng Espiritu ng Panginoon na siyang nagbibigay sa akin ng kapangyarihan upang maipatupad ko ang katarungan, at nagpapalakas ng loob ko para masabi sa mga mamamayan ng Israel at Juda na nagkasala sila.

9Makinig kayo, mga pinuno ng Israel at Juda! Ayaw ninyong pairalin ang katarungan at binabaluktot ninyo ang katuwiran.

10“Itinatayo ninyo ang Zion sa masamang paraan. Handa kayong pumatay maitayo lamang ito.

11Humahatol kayong panig sa mga nagbibigay ng suhol sa inyo. At kayong mga pari ay nagpapabayad sa pagtuturo. Ganoon din kayong mga propeta, nanghuhula kayo dahil sa pera. Umaasa rin kayong tutulungan kayo ng Panginoon, dahil ayon sa inyo, ‘Kasama namin ang Panginoon. Kaya walang anumang masamang mangyayari sa amin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.