8Ikaw naman, Zion, tulad ka ng tore na nagbabantay sa mga kawan, ibibigay muli sa iyo ang dati mong kapangyarihan, ibabalik sa iyo, Jerusalem, ang iyong kaharian.”
9Mga mamamayan ng Zion, bakit kayo dumaraing na parang babaeng manganganak na? Nandiyan pa naman ang inyong mga hari, at buháy pa ang kanyang mga tagapayo.
10Sige, mamilipit kayo sa sakit na parang babaeng manganganak na, dahil hindi magtatagal ay lilisanin nʼyo ang inyong lungsod at maninirahan kayo sa kaparangan, at pagkatapos ay dadalhin kayo sa Babilonia. Ngunit ililigtas kayo doon ng Panginoon mula sa inyong mga kalaban.
11Maraming bansa ang nagkaisa upang makipaglaban sa inyo. Sinasabi nila, “Hiyain natin ang Zion! At pagkatapos, panoorin natin ang nakakahiyang kalagayan nito.”
12Ngunit hindi alam ng mga bansang ito ang iniisip ng Panginoon. Hindi nila nauunawaan ang aking plano na tinipon ko sila upang parusahan, tulad ng mga butil na tinipon para dalhin sa giikan.