9Mga mamamayan ng Zion, bakit kayo dumaraing na parang babaeng manganganak na? Nandiyan pa naman ang inyong mga hari, at buháy pa ang kanyang mga tagapayo.
10Sige, mamilipit kayo sa sakit na parang babaeng manganganak na, dahil hindi magtatagal ay lilisanin nʼyo ang inyong lungsod at maninirahan kayo sa kaparangan, at pagkatapos ay dadalhin kayo sa Babilonia. Ngunit ililigtas kayo doon ng Panginoon mula sa inyong mga kalaban.
11Maraming bansa ang nagkaisa upang makipaglaban sa inyo. Sinasabi nila, “Hiyain natin ang Zion! At pagkatapos, panoorin natin ang nakakahiyang kalagayan nito.”
12Ngunit hindi alam ng mga bansang ito ang iniisip ng Panginoon. Hindi nila nauunawaan ang aking plano na tinipon ko sila upang parusahan, tulad ng mga butil na tinipon para dalhin sa giikan.
13“Mga mamamayan ng Zion, humanda kayo at lipulin ninyo nang lubusan ang inyong mga kaaway na parang gumigiik kayo ng trigo. Sapagkat gagawin ko kayong parang mga torong baka na may bakal na mga sungay at tansong mga kuko. Dudurugin ninyo ang maraming bansa na nagkaisa upang labanan kayo. At ang mga kayamanang sinamsam nila sa pamamagitan ng pagmamalupit ay ihandog ninyo sa akin, ang Panginoon ng buong mundo.”