Micas 4

“Mga mamamayan ng Zion, humanda kayo at lipulin ninyo nang lubusan ang inyong mga kaaway na parang gumigiik kayo ng trigo. Sapagkat gagawin ko kayong parang mga torong baka na may bakal na mga sungay at tansong mga kuko. Dudurugin ninyo ang maraming bansa na nagkaisa upang labanan kayo. At ang mga kayamanang sinamsam nila sa pamamagitan ng pagmamalupit ay ihandog ninyo sa akin, ang Panginoon ng buong mundo.”

Micah 4:13 (UKJV) Arise and thresh, O daughter of Zion: for I will make yours horn iron, and I will make your hoofs brass: and you shall beat in pieces many people: and I will consecrate their gain unto the LORD, and their substance unto the Lord of the whole earth.

11Maraming bansa ang nagkaisa upang makipaglaban sa inyo. Sinasabi nila, “Hiyain natin ang Zion! At pagkatapos, panoorin natin ang nakakahiyang kalagayan nito.”

12Ngunit hindi alam ng mga bansang ito ang iniisip ng Panginoon. Hindi nila nauunawaan ang aking plano na tinipon ko sila upang parusahan, tulad ng mga butil na tinipon para dalhin sa giikan.

13“Mga mamamayan ng Zion, humanda kayo at lipulin ninyo nang lubusan ang inyong mga kaaway na parang gumigiik kayo ng trigo. Sapagkat gagawin ko kayong parang mga torong baka na may bakal na mga sungay at tansong mga kuko. Dudurugin ninyo ang maraming bansa na nagkaisa upang labanan kayo. At ang mga kayamanang sinamsam nila sa pamamagitan ng pagmamalupit ay ihandog ninyo sa akin, ang Panginoon ng buong mundo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.