6Sinabi ng Panginoon, “Sa darating na mga araw, titipunin ko ang aking mga mamamayan na aking pinarusahan, na parang mga tupang pilay at nakakalat.
7Ang mga natira sa kanila ay gagawin kong makapangyarihang bansa. At mula sa araw na iyon ay maghahari ang Panginoon sa kanila sa Bundok ng Zion magpakailanman.
8Ikaw naman, Zion, tulad ka ng tore na nagbabantay sa mga kawan, ibibigay muli sa iyo ang dati mong kapangyarihan, ibabalik sa iyo, Jerusalem, ang iyong kaharian.”
9Mga mamamayan ng Zion, bakit kayo dumaraing na parang babaeng manganganak na? Nandiyan pa naman ang inyong mga hari, at buháy pa ang kanyang mga tagapayo.
10Sige, mamilipit kayo sa sakit na parang babaeng manganganak na, dahil hindi magtatagal ay lilisanin nʼyo ang inyong lungsod at maninirahan kayo sa kaparangan, at pagkatapos ay dadalhin kayo sa Babilonia. Ngunit ililigtas kayo doon ng Panginoon mula sa inyong mga kalaban.