Micas 4

Ang mga natira sa kanila ay gagawin kong makapangyarihang bansa. At mula sa araw na iyon ay maghahari ang Panginoon sa kanila sa Bundok ng Zion magpakailanman.

Micah 4:7 (UKJV) And I will make her that halted a remnant, and her that was cast far off a strong nation: and the LORD shall reign over them in mount Zion from henceforth, even for ever.

5Kahit na sumunod ang mga tao sa mga diyos-diyosan nila, kami ay patuloy pa ring susunod sa Panginoon na aming Diyos magpakailanman.

6Sinabi ng Panginoon, “Sa darating na mga araw, titipunin ko ang aking mga mamamayan na aking pinarusahan, na parang mga tupang pilay at nakakalat.

7Ang mga natira sa kanila ay gagawin kong makapangyarihang bansa. At mula sa araw na iyon ay maghahari ang Panginoon sa kanila sa Bundok ng Zion magpakailanman.

8Ikaw naman, Zion, tulad ka ng tore na nagbabantay sa mga kawan, ibibigay muli sa iyo ang dati mong kapangyarihan, ibabalik sa iyo, Jerusalem, ang iyong kaharian.”

9Mga mamamayan ng Zion, bakit kayo dumaraing na parang babaeng manganganak na? Nandiyan pa naman ang inyong mga hari, at buháy pa ang kanyang mga tagapayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.