3Pagkakasunduin niya ang maraming bansa, pati na ang mga makapangyarihang bansa sa malayo. Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa, at hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Gagawin nilang araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat.
4Ang bawat tao ay uupo sa ilalim ng kanilang tanim na ubas at puno ng igos nang walang kinatatakutan. Mangyayari ito, dahil sinabi ito ng Panginoon ng mga Hukbo.
5Kahit na sumunod ang mga tao sa mga diyos-diyosan nila, kami ay patuloy pa ring susunod sa Panginoon na aming Diyos magpakailanman.
6Sinabi ng Panginoon, “Sa darating na mga araw, titipunin ko ang aking mga mamamayan na aking pinarusahan, na parang mga tupang pilay at nakakalat.
7Ang mga natira sa kanila ay gagawin kong makapangyarihang bansa. At mula sa araw na iyon ay maghahari ang Panginoon sa kanila sa Bundok ng Zion magpakailanman.