4Ang bawat tao ay uupo sa ilalim ng kanilang tanim na ubas at puno ng igos nang walang kinatatakutan. Mangyayari ito, dahil sinabi ito ng Panginoon ng mga Hukbo.
5Kahit na sumunod ang mga tao sa mga diyos-diyosan nila, kami ay patuloy pa ring susunod sa Panginoon na aming Diyos magpakailanman.
6Sinabi ng Panginoon, “Sa darating na mga araw, titipunin ko ang aking mga mamamayan na aking pinarusahan, na parang mga tupang pilay at nakakalat.
7Ang mga natira sa kanila ay gagawin kong makapangyarihang bansa. At mula sa araw na iyon ay maghahari ang Panginoon sa kanila sa Bundok ng Zion magpakailanman.
8Ikaw naman, Zion, tulad ka ng tore na nagbabantay sa mga kawan, ibibigay muli sa iyo ang dati mong kapangyarihan, ibabalik sa iyo, Jerusalem, ang iyong kaharian.”