Micas 4

Pagkakasunduin niya ang maraming bansa, pati na ang mga makapangyarihang bansa sa malayo. Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa, at hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Gagawin nilang araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat.

Micah 4:3 (UKJV) And he shall judge among many people, and rebuke strong nations far off; and they shall beat their swords into plowshares, and their spears into pruning hooks: nation shall not lift up a sword against nation, neither shall they learn war any more.

1Sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng templo ng Panginoon ay magiging pinakamahalaga sa lahat ng bundok. Dadagsa rito ang mga tao mula sa ibaʼt ibang bansa.

2Sasabihin nila, “Tayo na sa bundok ng Panginoon, sa Templo ng Diyos ni Jacob. Tuturuan niya tayo roon ng kanyang mga pamamaraan upang sundin natin.” Kaya magsisiuwi ang mga tao mula sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, na dala ang Kautusan ng Panginoon.

3Pagkakasunduin niya ang maraming bansa, pati na ang mga makapangyarihang bansa sa malayo. Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa, at hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Gagawin nilang araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat.

4Ang bawat tao ay uupo sa ilalim ng kanilang tanim na ubas at puno ng igos nang walang kinatatakutan. Mangyayari ito, dahil sinabi ito ng Panginoon ng mga Hukbo.

5Kahit na sumunod ang mga tao sa mga diyos-diyosan nila, kami ay patuloy pa ring susunod sa Panginoon na aming Diyos magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.