9Magtatagumpay ang mga Israelita laban sa kanilang mga kalaban. Lilipulin nila silang lahat.
10Sinabi ng Panginoon, “Sa mga araw na iyon, ipapapatay ko ang inyong mga kabayo at sisirain ko ang inyong mga karwahe.
11Gigibain ko ang inyong mga lungsod pati na ang mga napapaderang lungsod.
12Sisirain ko ang inyong mga anting-anting at maglalaho ang inyong mga mangkukulam.
13Hindi na kayo sasamba sa mga imahen at sa mga alaalang bato na inyong ginawa, dahil wawasakin ko ang mga ito.