4Pamamahalaan niya ang mga mamamayan ng Israel sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan ng Panginoon. Ang katulad niyaʼy isang pastol na nagbabantay ng kanyang kawan. Kaya mamumuhay sila nang mapayapa dahil kikilalanin ng mga tao sa buong mundo ang kanyang kadakilaan.
5Siya ang magdadala ng kapayapaan. Kapag sinalakay ng Asiria ang ating bansa at pasukin ang mga muog ng ating lungsod, ihaharap natin sa kanila ang ating mga malalakas na pinuno.
6Tatalunin nila at pamumunuan ang Asiria, ang lupain ni Nimrod, sa pamamagitan ng kanilang mga tabak. Kaya ililigtas nila tayo kapag sinalakay ng mga taga-Asiria ang ating bansa.
7Ang mga natitirang Israelita ay magiging pagpapala sa maraming bansa. Magiging tulad sila ng hamog at ulan na ibinibigay ng Panginoon upang tumubo ang mga tanim. Magtitiwala sila sa Diyos at hindi sa tao.
8Ngunit magdadala rin sila ng kapahamakan sa mga bansa. Magiging tulad sila ng leon na matapang sumalakay sa mga hayop sa kagubatan at sa kawan ng mga tupa sa pastulan. Kapag sumalakay ang leon, nilulundagan nito ang kanyang biktima at nilalapa, at hindi ito makakaligtas sa kanya.