Micas 6

Matutuwa kaya ang Panginoon kung hahandugan ko siya ng libo-libong tupa at nag-uumapaw na langis? Ihahandog ko ba sa kanya ang panganay kong anak bilang kabayaran sa aking mga kasalanan?”

Micah 6:7 (UKJV) Will the LORD be pleased with thousands of rams, or with ten thousands of rivers of oil? shall I give my firstborn for my transgression, the fruit of my body for the sin of my soul?

5Mga mamamayan ko, alalahanin din ninyong sinugo ni Haring Balak ng Moab si Balaam na anak ni Beor upang sumpain kayo. Ngunit pinagsalita ko si Balaam ng mga pagpapala sa inyo. Alalahanin ninyo ang inyong paglalakbay mula Shitim hanggang Gilgal kung saan ipinakita sa inyo ang aking katapatan. Alalahanin ninyo ang mga pangyayaring ito upang malaman ninyong iniligtas kayo ng Panginoon.”

6Sumagot ang isang Israelita, “Ano ang ihahandog ko sa Panginoon, ang Diyos sa langit, kapag sasamba ako sa kanya? Mag-aalay ba ako ng guya bilang handog na sinusunog?

7Matutuwa kaya ang Panginoon kung hahandugan ko siya ng libo-libong tupa at nag-uumapaw na langis? Ihahandog ko ba sa kanya ang panganay kong anak bilang kabayaran sa aking mga kasalanan?”

8Hindi! Sinabi na ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ano ang ninanais niya sa inyo? Gawin ang matuwid, pairalin ang pagkamaawain, at buong pagpapakumbabang sumunod sa Diyos.

9Pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon sa lungsod ng Jerusalem, dahil ang taong may takot sa kanya ang siyang may tunay na karunungan: “Kayong mga kabilang sa lahi ni Juda, magtipon-tipon kayo sa lungsod ng Jerusalem at makinig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.